Ang Cagayan Valley ay kilala rin sa ating bansa dahil sa mga makasaysayan nitong mga lugar na matatagpuan rito. Isa nga sa dinarayo ng mga turista sa buong mundo ay ang Yungib o Kweba ng Callao na matatagpuan sa Barangay Magdalo at Quibal, Penablanca, na malapit sa Tuguegarao City na siyang kapital ng probinsya ng Cagayan.
ANG NATURAL NA CATHEDRAL
Isa sa mga pinakadinarayo sa Yungib ng callao ay ang natural nitong cathedral o chapel na matatagpuan sa unang kamara ng kweba. Ito nga ay pinaniniwalang makasaysayan dahil may mga nagsasabing dito raw nagtago ang mga Hapones noong Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. Sa totoo nga ay may ikinasal na sa chapel na ito.
ANG DALAWANDAANG (200) YAPAK NA HAGDAN
Ang yungib na nabanggit ay mayroong dalawandaang yapak na hagdan na siyang susubok sa iyong lakas sa pagakyat at ang iyong pagkasabik na makita ng iba't iba at kakaibang mga rock formations na matatagpuan sa loob ng kweba.
MGA ROCK FORMATIONS SA LOOB NG KWEBA
ANG MORORAN RIVER..
Mayroon ding ilog na malapit sa Callao.. Ang Mororan River. Habang nasa Callao kayo, maaari kayong mamangka sa Mororan River. Lakbayin ang ganda ng Penablanca. Simutin ang sarap ng hangin. At masdan ang napakalinaw na tubig.
ATIN NG PUNTAHAN ANG YUNGIB NG KAGANDAHAN! YUNGIB NA MAKASAYSAYAN! ANG YUNGIB NG CALLAO!
Ipinisa nina:
Jozelle Miguel
Nicole Parallag
Wynona Maggay
Julius Salon
Christian Boydon
Jonelle Guzman
Lloyd Unicruz
Lloyd Unicruz